February 2013
1 post
January 2013
4 posts
![]()
Marahil narinig nyo na yan. Yan “daw” yung mga taong anti-Christ o yung sa demonyo sumasamba kapalit ng kasikatan. Naniniwala ba kayo dun? Ako, hindi. Why? May mga batayan ako dyan. Maraming mga sikat na hollywood stars na involve dito, kabilang si Jay-Z, Beyonce, Lady Gaga, Kesha, etc. Eh pati nga yung Disney channel eh illuminati daw. Wala naman akong malawak na idea kung bakit di ako naniniwala sa bagay na to. May mga processo kasi dito sa Social Media kung saan pinapakita kung paano ito naging at nangyari. Ito yung mga senyales ng mga weido na bagay na to.
- Triange- Eh di ba hipsters triangle lang yun. Search nyo, di naman illuminati yung sa tingin ko. ^____^
- Eye- Di ko alam kung anong sinisimbolo nyan eh, Pero madalamas natin yan makita kay Lady Gaga.
- Back Tracking- yan yung mga kanta ng celebrities na pabalik kung iplay, Pansin ko lang na di naman ganun kalinaw yung message. Tsaka diba ibig nasabihin din ba nun eh lahat ng sinasabi natin ay may hidden message din. Kung iisipin masasabi mong di katotohan pero minsan masasabi mo rin na totoo. Ang gulo ko noh. ^____^v
Medyo erotic yung topic ko pero kung totoo man yan o hindi. Hindi importante satin yang mga Christiano. Manalig lang tayo sa Diyos. Dahil kung totoo man yang mga bagay na yan alam nating sila yung makakalaban natin kung tayo’y tunay na alagad ng Diyos. Kaya guy’s pagdasal nalang natin sila.
Banghay
Ang pelikulang The Girl Nextdoor ay isang pelikula kung saan ang lahat ng kabataan ay makakarelate bilang isang highschool student. Ito ay kwento tungkol kay Matthew na ginanapan ni Emile Hirsch na pangarap maging bahagi ng politika sa Georgetown University ngunit magiging bahagi lamang sya nito pag napanalunan nya ang isang malaking halagang scholarship. Habang papalapit ang graduation ay nahirapan si Matthew na isipin kung ano ano ang mga di nya makakalimutang expirience sa highschool, ngunit lahat ay nagbago ng makikilala nya si Daniel na ginanapan ni Elisha Cuthbert kung saan sya ay isang napakagandang babae. Perfect :”“”“>. Naging isang matalik na kaibigan ang dalawa na tila may malisha ngunit nasubok ang kanilang relasyon ng sinabi ng isang kaibigan ni Matthew na si Daniel ay isang pornstar at pinanuod nila ang video para patanuyan. Para mas lalong mapatunayan ni Matthew kung totoo ang nagaganap ay dinala nya si Daniel sa motel at duon ay nag pakita ng motibo si Daniel at naisip nya na alam na ni Matthew ang kanyang nakaraan sanhi ng di nila pagkakaunawaan ni Matthew. Bumisita si Matthew sa bahay ni Daniel upang makipag ayos at doon nya nakilala si Kelly na exboyfriend at producer si Daniel sa porn industry. Nalaman ni Matthew na pupunta si Daniel at Kelly sa Los Angeles, Adult Convention ay sumunod sya at doon nagkagulo. Ninakaw ni Kelly ang pera ni Matthew sa bangko dahil tumanggi na si Daniel sa offer ni Kelly at para maibalik ang pera ay inutusan ni Kelly si Matthew na kunin ang “Golden Trophy” sa araw ng kanyang speech, kung saan pinainom sya ng extacy. Habang siya ay nagsasalita ay nararamdaman nya ang kakaibang pakiramdam ngunit natapos nya ang speech. Dumating ang araw ng Prom nila ngunit wala paring perang nalilikom si Matthew kaya naisip nyang ang paggawa nalang ng video ang paraan para magkapera para sa scholarship, kaya gumawa sila ng video kasama ang dalawa pang pornstars na kilala ni Daniel at ng dalawang kaibigan ni Matthew sa tulong din ng karibal na kalaban sa industria ni Kelly. Ng dumating ang umaga ay hawak ni Kelly ang VCD kung saan nasa loob ang video. Pinakita ito sa mga magulang ni Matthew at dun nakita na isa lamang Sex Education Video ang nakasaad at bumenta ang VCD na ito at kumita ng malaking pera si Matthew para sa kanyang scholarship at naging masaya sila ni Daniel sa huli.
Tauhan
Emil Hirsch as Matthew Kidman
Daniel as Elisha Cuthberth
Mahusay ang paganap ng dalawang bida, kung saan mahahalili kang panuorin at gawing idolo ang mga ito.
Editing
Mahusay ang editing ng pelikula kahit hindi ito masyadong ginagamitang ng effect tulad ng iba. Masasabi mong mahusay ito dahil sa pagkakasunod sunod ng pangyayare na di na kailangan pang isipin.
Tema
Ang pelikulang ito ay nababagay sa isang teen o kabataan dahil ito ay nagpapakita ng mga natural na bagay na nangyayari sa kabataan. Tulad ng kasiyahan at pagiging maloko. Ipinapakita din dito ang pagsasakripisyo mo sa taong mahal mo. At higit sa lahat lakas ng loob upang gawin ang bagay na magdadala sayo sa iyong pangarap.
Rekomendasyon
Ang tanging rekomendasyon ko dito sa pelikulang ito ay sana may part 2 dahil napakaganda.
![]()
PAALALA
Pasensya na sa di magandang pagsasalaysay at mga salitang hindi angkop sa mga bata :)
Aliens, True or Not. Ako naniniwala ako. May explanation ako kung bakit. Kung iisipin kse natin di lang naman tayo ang nilikha ng Diyos eh. Napakalawak ng univers para dyan. At napakaraming issues dito tungkol dyan sa mga Extraterestrial Beings. At infact beyond may curriosity nag research ako dyan.
Area 51, ito yung private area na kung saan pag nagtratrabaho kay ay hindi ka makakalabas sa areang ito. Hihintayin mong matapos yung term mo. May video akong napanuod sa youtube kung saan tumawag yung isang lalaki na kung saan nag lalakad sya sa area ng may makita siyang bagay na di nya makita kung ano. At sinabi sa kanyang “the world is under development” kung saan ibig ipahiwatig na marami pa tayong hindi nalalaman sa mundong ginagalawan natin at kaya sila nandito upang tulungan tayo.
Over-Populated Countries, ito naman yung mga lugar kung san binabalita sa nation news nila ang di maipaliwanag na ilaw sa kalawakan. China, Mexico, Switzerland, etc. Sinabi din na kaya ito ang unang binibisita ng mga kakaibang nilalang ay dahil ito ay yung mga bansang malalaki at kailangan mabawasan at maidevelope at para sa mas madali ng masalakay ang maliliit na bansa kabilang ang pilipinas. At eto pa, nakakita naba kayo ng Chinese na buntis? Ako hindi pa. Which brings me the idea na they do clone-ning kung saan di malayong mangyari.
Adolf Hitler, maraming article sa internet na nagsasabing tinulungan daw si Hitler ng mga Aliens na gawin itong Atomic Bomb kung kaya’t maraming magagandang technolohiyang lumalabas sa mundo? Totoo nga sigurong nasa development palamang ang mundo natin.
It’s our decision to believe or not.
Watch to believe. http://www.youtube.com/watch?v=6758Yp-JXK4
Medyo mahirap isipin noh? Na ang isang napakagandang bulaklak ay maari palang maging isang pagkaen na maraming benepisyo. Sa isang lugar sa Up Diliman makikita ang hele-helerang sunflower. Sinasabi daw na dati ang pag sibol nito ay nasasabay sa graduation ng Up. Sinasabing sa Mexico nagsimula ang Sunflower. Sa pag gawa ng pagkain ay uunahing anihin ang mga buto nito, at ginagawang sunflower cracked seed parang butong pakwan. Tinatahib at hinuhugasan at papakuluan ng 30 mins at lalagyan ng asin. Isa pa na handog nito ay ang Sun flower honey kung san sinisipsip ng bubuyog ang nectar nito at nilalagay sa honey cone. Kukunin ang honey at ieextract sa processing room. Para maging pure Sun flower honey. Sunflower brittle kung saan tinutunaw ang asukal sa mainin na lutuan at tsaka ilalagay ang sunflower seeds, butter at baking soda. Babalatan naman ang buto ng sunflower at ilalagay sa baking pan ang itutusta sa baking oven, at ang buto ay papakuluan sa tubig upang maging Sun flower coffee. Sunflower energy drink, ang sprouts ng sunflower ay inihahalo sa inumin kasama ang ibat ibang prutas at gulay, iblend at waaalaaah. Tapos.
Nakakatuwang isipin na ang bulaklak na sumusunod sa sikat ng araw ay sana sumikat pa ang natatangi nitong pakinabang sa tao.
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho.
December 2012
9 posts
November 2012
3 posts
May 2012
2 posts
I miss tumblrin’
- Kalimutan ang mga bagay na konektado sa inyong dalawa- tulad ng love, affection, crush , at ang lust. Saka mo na balikan kapag naka recover ka na ng buong buo.
- Wag mo syang iba-block sa kahit anong networking sites na magkaibigan kayo -Wag kang bitter! Karamihan sa atin ganyan ang ginagawa….